Third reaction post from CFO Pesos Sense sender na may katanungang 'paano magipon?'
Nabanggit nya sa post na nastuck sya sa thought ng pag-iipon.
Isa sa nabanggit nya ay i-invest ang pera kesa itago sa banko.
Nauubos ang pera nya sa foodtrip, travel at damit.
Humihingi sya ng advice sa pag-iipon na kung saan mapapanatag ang kanyang isip, nabanggit din nya kung mas maganda bang kumuha ng passbook or atm at saang bank nya pwedeng ilagay ang kanyang pera.
Nakakatuwa na maraming na-eengganyong mag-ipon.
Advice Para sa Nagsisimulang Mag-ipon
May dalawang klaseng pag-iipon.
Una, yung gusto mo lang mag-ipon at makitang dumami ang savings mo. Walang pang konkretong reason kung saan mo gagamitin ang pera.
Pangalawa, gusto mong lumago ang pera mo in the long run, mala-investing type na pag-iipon
Pag-iipon para sa specific na bagay, like bagong ref or ticket to palawan.
Ayoko mag-judge pero dahil maikli lang ang post ni sender, hindi nya nabanggit ang dahilan kung bakit sya nag-iipon.
Merong kaunting hint sa sinabi nya na naguguluhan about sa i-invest ang pera kesa sa banko, sa pahiwatig ko gusto nya kahit papaano na tumubo ang pera nya. Although, gusto nyang tumubo pero walang eksatong dahilan kung para saan ang pera pag-dating ng araw.
Isa sa dahilan ng inaction ay dahil wala ka naman strong urge para ituloy mo ang planong mag-ipon.
I guess na gusto nya lang talagang mag-ipon, at tama naman yon.
Mag-ipon At Mag-plano
Advice ko ay kahit wala pang solid na plano kung ano ang gagawin sa pera, maganda na umupo muna at gumawa ng plano.
Itanong sa sarili;
Anong gagawin ko sa pera?
Kailan ko kukunin ang pera? (sobrang importante
neto)
Mag-kano ang itatabi kong pera?
Papalaguin ko ba ang perang naipon at ilalagay
sa business?
Papalaguin ko ba ang perang naipon at
mag-iinvest sa investment platform na alam ko?( dapat alam mo talaga para
walang sisihihan sa huli)
From Ipon -to- Business
Ipon -to- Investment
Final Thoughts
Magandang mag-karoon ng ipon.
Mas magandang may plano ka kung anong gagawin mo sa ipon mo.
Para naman makita mo ang progress mo sa future.
Pero syempre wag-masyado ma-stress about money goals and wag kalimutan ang true source ng ating provision.
But seek first the kingdom of God and His righteousness and all these things shall be given to you as well.
That's it.
Did you find this post helpful?
No comments:
Post a Comment
Would love to hear and interact with my readers.