Featured Post

Invest in Yourself | Going Back to Herbal | Tired all Day vs Coconut Oil

Ok. This topic goes back to the laziness that has been going on in my life.

Saturday, May 15, 2021

Reaction Post: Totoo bang walang kakayahang mag-ipon ang mga taong minimum wage earner?

Maka-kaipon ba ang isang minimum wage earner?


Reaction post ito sa post ng isang financial guru na si Chinkee Tan, medyo triggered lang kasi, marami na akong naging work na ang starting ay minimum wage kaya eto ang reaction post ko.


Sa experience ko, kaya namang makaipon pero ano bang goal mo sa nag-iipon?


Yumaman? Makabigay ng sapat pera sa sarili at pamilya na hindi maibibigay ng sweldo mong minimum wage?


Marami pang available na dahilan kung bakit pwedeng makaipon ang isang minimum wage earner or kung bakit din hindi makaipon.


Wala akong magandang payo tungkol sa pera na maari kong ishare sa blog na ito.


Dahil, sa sarili ko pa lang, na hindi successful sa career at pera, walang wala akong karapatan na mag-payo kung anong dapat gawing sa pera ng isang minimum wage earner.


Pero isa lang ang mapapayo ko.


Basahin o pakinggan nyo ang libro ni Dave Ramsey na The Legacy Journey sa youtube. (search nyo lang)


Sa ngayun, ang plano nyang BABY STEPS ang sinusundan ko para makaalis sa financial situation ko ngayun. Layo nat unemployed ako.


Sa dami ng failures ko about sa pera, ang dahilan ko para kumita ng pera ngayun ay hindi na pag-yaman.


Bagkus ang dahilan ko ay para maging mabuting tagapangasiwa ni Lord ng kanyang resources. At kasama dyan ang pera.


Mababasa nyo din yan sa book ng The Legacy Journey.


Ang nakakatuwa kasi, naopen ang mindset ko about pera nung nabasa ko ang libro ni Dave Ramsey.


Kasi gaya nya, hayok din akong kumita ng pera. 


Para syempre sa tamang dahilan, na tumulong sa pamilya at nangangailangan.


Pero at some point sa buhay ko, nabulag ako ng MONEY GOALS ko at naging una syang priority ko kesa kay Lord.


Doon, na nagsimula ang marami kong failures about money.


Hindi na maganda ang relationship ko sa pamilya ko dahil sa topic na pera.


Pati sa office.


Ang mga iniisip kong good investment, lahat yun bumagsak. Lugi pa nga ako.


Sa libro, nakwento din ni Dave ang kwento ng buhay nya about money. 


Na-bankcrup silang mag-asawa. At doon nya narealize ano nga ba ang tamang pag-manage ng resources (including money) ni Lord.


At lahat ng iyon ay nakita nya sa bible.


Kaya naman, gusto kong ishare sa marami ang book na The Legacy Journey.


Hopefully, katulad ko, maging way ang libro para mag-iba ang ating perspective about money.


Money is just a tool.


At, napakagaan sa pakiramdam, na sundin ang bible teaching ni Lord about money.


1 Timothy 5:8 NKJV 

But if anyone does not provide for his own, and especially for those of his household, has denied the faith and is worse than an unbeliever.

Proverbs 21:20

There is desirable treasure, And oil in the dwelling of the wise, But a foolish man squanders it.


Mathew 25: 14-30

Parable of the Talents


Halos siguro lahat ng verses na ito ay nadaanan ko na sa bible.


Pero walang light bulb moment.


Wala akong idea paano ito i-apply sa buhay ko.


Nag-papasalamat ako sa Diyos at ginawa nyang instrument si Dave Ramsey para ipaliwanag ang mga verses na eto.


Anyway, yung Baby Steps ay in dollars, pero pwede mo namang baguhin yun batay sa Philippine settings.


Yung Baby Step 1, instead of 1000 dollars ginawa ko munang 5,000 pesos since unemployed ako at nasa pilipinas naman ako. (pero good idea rin siguro ang 20,000 pesos???)



So, yun na lang muna for this reaction post.


Salamat nakarating ka hanggang dulo ng post.

No comments:

Post a Comment

Would love to hear and interact with my readers.

(function(i,s,o,g,r,a,m){i['GoogleAnalyticsObject']=r;i[r]=i[r]||function(){ (i[r].q=i[r].q||[]).push(arguments)},i[r].l=1*new Date();a=s.createElement(o), m=s.getElementsByTagName(o)[0];a.async=1;a.src=g;m.parentNode.insertBefore(a,m) })(window,document,'script','https://www.google-analytics.com/analytics.js','ga'); ga('create', 'UA-104883034-1', 'auto'); ga('send', 'pageview');