Featured Post

Invest in Yourself | Going Back to Herbal | Tired all Day vs Coconut Oil

Ok. This topic goes back to the laziness that has been going on in my life.

Friday, July 31, 2020

Lubog sa Utang? | Di Pwedeng Umutang Kapag Minimum ang Sweldo



Madalas nababaon sa utang ang mga manggagawa na ang braket ng kita ay humigit kumulang sa minimum wage.

Sa obvious na rason.

Sapat lamang ang minimum wage na sahod para tustusan ang pang- araw araw na gastusin.

Kagaya na lamang ng kumakalat na computation na ito sa social media.

Sobrang totoo neto.


Nung pangalawang trabaho ko, umiiyak pa ako sa nanay ko para lang mabilan ako ng damit kasi wala naman akong extrang pera para makabili.


Salary Loan

Kapag gipit madalas gusto nating umutang.

Pero sasabihin ko sa inyo na ang pangungutang ay ang pinakadelikadong bagay na pwedeng gawin ng isang minimum wage earner.

Bakit?

Kasi nga, wala na tayong kakayanan pa para mabayaran ang monthy na payment sa Salary Loan (halimbawa).

Kaya naman, mas lalong mababaon kapag umutang ang isang minimum wage earner. Feel mo rin ba yung lubog na lubog ka na sa utang? Uutang ka, para ipambayad din sa utang?

Pero kung kikita ka naman at ang tutubuin mo ay sapat pang-monthly ng loan mo, mabuti yun.

Pero kung personal na needs lang kagaya ng birthday o pambili ng appliance, well, alam na natin ang sagot dyan.

Utang na Nakakapag-angat Vs. Utang Na Nakakapalubog

Nakuha ko tong ideya na to sa libro na Rich Dad Poor Dad. Sobrang nakapag-enlighten sa akin yun tungkol sap era.

Sa simulat sapul, ayoko na talagang mangutang.

Pero sa librong Rich Dad Poor Dad sinasabi dito na hindi masamang mangutang sa isang kondisyon.

Yun ay, kung uutang ka sa purpose ng business. Ibig sabihin, may siguradong papasok na pera  sayo at ang perang yon ay kayang bayaran ang monthly payment mo sa loan.

Kung may sosobra pa, ayun na yung sinasabing profit.

Congrats!


May EXTRA income ka na.

Recap

Kung uutang ka para sa birthday, bagong cellphone o pangbakasyon mo sa boracay, mag-dudulot ito ng pagkalubog sa utang.

Sigurado yan.

Pero kung uutang ka para magsimula ng maliit sa tindahan (for example lang) at ma-achieve mo ang kailangang kita para mabayaran ang monthy payment ng salary loan, tinatawag itong good debt.

Kasi nga kikita ka.

Sa umpisa kung wala pa kayong market sa tindahan, medyo imposible malaman kung kikita ka ng sapat para maipangbayad sa monthly payment mo.

Kaya kung magsisimula ka ng small business, mas maganda na kunin mo na lang yun sa bonus mo.

Story time

Medyo naalala ko lang nung unang bonus ko, bumili agad ako ng branded na sapatos na sa hinagap di ko akalain na mabibili ko.

Since minimum wage nga lang ako nun.

Sobrang saya ko na nun. Pero wag nyong gagayanin, kasi isa yong bad example kung paano gamitin ang pera.

But anyway nagawa ko na. At YOLO you only live once, so wala na akong magagawa dun.

Hindi Goal ang Pera

Last na maipapayo ko ay, wag masyadong magfocus sa pag-likom ng limpak limpak na pera.

O magandang career.

Oo, kailangan mong umalis sa minimum wage sa lalong madaling panahon. Pero kung ang kaisipan natin ay puro PERA goals lang, siguradong hindi tayo magtatagumpay.

May dalawa akong na-feature sa blog na to, si Savings Pinay, and Mr. Christopher ng CEC Ventures TV, dalawang napakasuccessful na tao.

Isa sa larangan ng blogging at ang isa ay sa career at business.

Na-ishare nila doon na ang tunay na Success ay pananampalataya sa panginoon.

          UpCareer Highlights Featuring: Christopher of CEC Ventures TV
          UpCareer Highlights Featuring: SavingsPinay

Gumawa ako ng post tungkol dito, Clueless on the Verse Seek First the Kingdom of God and All these Things will be Given to You as Well. Sana mavisit nyo ang post.

Isa lang ang masasabi ko, na kahit na minimum wage lang ako noon, hindi ako pinabayaan ni Lord sa lahat ng basic needs ko. Minsan, yun lang sapat na :). Pero di ibig sabihin na magiging tamad na lang ako at di na masyadong kikilos (tingin ko kahit si Lord ayaw ng tamad).

Pwede ka pa rin naman gumawa ng ibat ibang paraan para madagdagan ang kita mo.

Pero this time, alam mo sa isip mo na ang goal ay hindi pera. Na ang pinakaimportante sa mundo ay ang pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Nakatulong ba ang post na ito?



No comments:

Post a Comment

Would love to hear and interact with my readers.

(function(i,s,o,g,r,a,m){i['GoogleAnalyticsObject']=r;i[r]=i[r]||function(){ (i[r].q=i[r].q||[]).push(arguments)},i[r].l=1*new Date();a=s.createElement(o), m=s.getElementsByTagName(o)[0];a.async=1;a.src=g;m.parentNode.insertBefore(a,m) })(window,document,'script','https://www.google-analytics.com/analytics.js','ga'); ga('create', 'UA-104883034-1', 'auto'); ga('send', 'pageview');