Another reaction post about sa sender ng facebook page CFO Pesos Sense.
This time, isa syang OFW na 'baon sa utang'.
Relate much na naman ako, as an ex OFW hanggang ngayun ay di pa rin ako nakakabayad ng utang.
Visit Pesos Sense facebook page for full post.
Isa-isahin natin ang obvious na problema ng sender.
Bayaran ang utang na pera nung mag-abroad
Padala sa magulang
Hindi magkapag-ipon ng para sarili
Tinitipid ang sarili para maipadala lang ang pera sa magulang
*Ang sahod ay hindi pala malaki kumpara sa naisip mo at ng pamilya mo nung nag- aaply ka pa lang ng abroad.(*opinion ko lang to hah, kasi madalas mangyari ang ganitong scenario)
Isa-isahin din natin ang maling perspective ng mga Pilipino kapag nag-aabroad
Makaki ang sahod
Walang exit plan- eto yung plano mo kapag natapos na ang kontrata mo abroad
Plano para makabayad ng utang - eto yung dapat na napapag-usapan mo at ng pamilya mo para solid na makabayad ka sa utang, para naman malaman ng pamilya mo ang financial responsibilities mo at natitirang kakayanan mo sa pag- bibigay ng allowance nila.
Lahat ng gastos sa pilipinas ay inaasa sa padala
Ang abroad ay habang buhay
Walang magiging problemang financial kapag nasa abroad ka na
Di na kailangan mag-sumikap sa pilipinas kung may anak ka sa abroad
Medyo mahirap mag-payo ng tungkol sa pera. Kasi naniniwala ako na ang problema sa pera ay nag-uugat sa isang bagay at nag-sasanga sanga ng mas maraming problema.
Tulad na lang ng maling akala na kapag may anak ka sa abroad ang ibig sabihin ay hayahay ka na sa buhay.
Wala ng Magagawa at Malala na ang Sitwasyon
Since, nasa pangit na sitwasyon na si sender at outstanding pa rin ang utang nya, ang pangangailang ng pamilya nya at pansarili nyang pangangailangan ang payo kong maibibigay ay gawin ang mga nailista ko sa taas.
Para masolusyonan ang problema, dapat solusyunan ang ugat ng problema. Yan ay ang maling mindset ng mga pilipino tungkol sa mga nag-aabroad.
Una, ipaliwanag sa magulang na mali ang inakala mo at ng parents mo about sa pag-aabroad. Hindi lahat ng nag-aabroad ay malaki agad ang kita. Kumbaga sa pilipinas may minimum wage lang din, at sapat lang yon para pambayad ng basic needs mo abroad tulad ng tirahan, pagkain, utilities at personal needs.
Mahabang paliwanagan yan. (gawin ng mahinahon if hindi naintindihan ng magulang, i-explain mo ulit sa mga susunod na araw hanggang sa maintindihan nila.)
2 Ipaliwanag mo sa magulang mo ang goal mo na mabayaran na kaagad ang utang at ano ang magiging hakbang mo at ng magulang mo para mabawasan yun ng hindi pinapabayaan ang pangangailan ng pamilya mo.
Mahabang paliwanagan yan. (gawin ng mahinahon if hindi naintindihan ng magulang, i-explain mo ulit sa mga susunod na araw hanggang sa maintindihan nila.)
Importante na mabanggit mo ang timeline ng goals mo at ng pamilya mo. Hanggang kelan ka mag-babayad ng utang. At kung may paraan na mapabilis na bayaran yon.
Kung kaya ang extra income- go ka dun. Isa sa kapansin pansin sa pesos sense ay mga tao na nag-iipon.
And guess what kung sino ang may pinakamaraming ipon? Ang may pinakamaraming ipon ay may busines. Mapa loading station man yan, simpleng pag-titinda ng yelo o maliit na sari-sari store.
Kung kaya yan ng pamilya mo sa pinas- go.
Final Thoughts
Sobrang daming maling expectations sa mga taong nag-aabroad. Syempre yung iba jackpot malaki ang sahod.
Pero paano kung ikaw yung mababa lang ang sahod?
Napakaimportante ng plano. At dapat kung may plano ka, isama mo ang pamilya mo para naman alam nila kung ano lang ang financial capacity mo.
Higit sa lahat, dasal lang at tandaan na ang ultimate provider natin ay ang Diyos.
No comments:
Post a Comment
Would love to hear and interact with my readers.