Ninth reaction post sa isang sender ng Pesos Sense and tungkol sa relasyon ang topic na may kasamang money matters.
Ituon natin ang payo sa bigger picture ng goals ng sender. Medyo iiwan na natin ang topic tungkol sa mag-asawa at i-fofocus na lang natin sa general relationship advice.
For complete post visit CFO Pesos Sense Facebook Page
I-highlight lang natin sandali ang mga pangyayari na nai-kwento ni sender;
Sinasabihan na mag-tira para sa sarili para makaipon para sa future nilang dalawa
Gustong makipag-hiwalay ni parter dahil napre-pressure
Napapagod mag-hintay ng para sa kanilang dawala (maaring mga plano mag-asawa ang tinutukoy niya sa statement na ito)
Siguro di deserve yung mga pinagpre-pray para sa kanilang dalawa
Focus on the Wrong Goals
Again, ang advise ay focus sa Christian perspective.
Hindi lang si sender ang nakakaranas ng failure and disappointment pag-dating sa material goals.
Isa ako doon.
Na kahit anong pag-sisikap pa ang gawin mo, ay kulang pa rin ito para makamit ang mga ninanais mo.
Sa pag-hahangad ng material na bagay minsan nakakalimutan natin na importante ding balanse ang relasyon natin sa pamilya.
No one can serve two masters, Either he will hate the one and love the other, or he will be devoted to the one and despise the other. You cannot serve both God and Money.
Matthew 6:24
Napakahalaga ng maayos na relasyon sa lahat ng tao including ang sarili nating pamilya.
If it is possible, as far as it depends on you, live at peace with everyone.
Romans 12:18
Not on the Same Boat
Medyo nakaka-inis talaga na meron kang pangarap sa buhay pero hindi mo makamit-kamit kasi kailangan mong suportahan ang iyong pamilya. And sa tagal tagal ng tulong mo sa kanila e, wala kang nakikitang initiative na sila naman ang tumulong para naman makamit mo ang mga ninanais mo.
Kahit maging self-sufficient sila para naman makawala ka sa malaking obligasyon.
Pero madalas na, mas lalong lumalaki ng luma-laki ang pangagailangan nila na kailangan mong punuan. At hindi na natapos ang cycle na yun at hindi ka na umusad, at nalaman mo na lang na matanda ka na at wala pa ring narating sa buhay.
Eto yung ini-iwasan nating ending natin career wise.
Kaya naman napag-sasabihan natin masasakit na salita ang ating pamilya. Kung hindi man, masakit ang nasasabi natin, ang dating sa kanila ay makasarili ka at madamot.
So Anong Dapat na Gawin?
Christian perspective wise, una panatilihin ang mabuting pakikitungo sa pamilya lalo na sa iba.
Money wise, wag masyadong ii-stress ang sarili kung hindi man mareach ang financial or career goals.
Kung sa present na sitwasyon ay hindi makamit ang mga material things na gusto natin dahil sa pangangailangan ng pamilya, I think time na para palakihin ang kita, para kahit anong hingi pa ng pamilya natin sa atin ay hindi na ito magiging problema.
Medyo mahirap talaga na palakihin ang pera, pero kung simulan mong magkaroon ng kinikita sa bawat asset (business o investment basta isang bagay na nagbibigay ng pera papasok sa bank account mo) at dagdagan ang asset hanggang sumobra na ang perang pumapasok kesa sa pangangailangan mo.
Final Thoughts
Sa pag-papalago ng pera, mabilis tayong ma-stress lalo na kung malayo pa sa katotohan ang kinikita nating pera kesa sa goal na gusto mo.
Kaya napakaimportante na wag nating ituon ang ating pusot isipan sa pag-papayaman lamang.
Una dapat na priority ay ang totoong source ng pag-papala at pangalawa na lamang ang lahat ng bagay.
That's it.
Did you find this post helpful?
No comments:
Post a Comment
Would love to hear and interact with my readers.