Featured Post

Invest in Yourself | Going Back to Herbal | Tired all Day vs Coconut Oil

Ok. This topic goes back to the laziness that has been going on in my life.

Wednesday, August 5, 2020

Watchlist ng Newbie PSE | Paano Nagagawa ang Watchlist?



Sobrang hirap tumingin at mag – analize ng stock araw-araw.

Minsan nakakaduling na. LOL

Paano ba nagagawa ng mga guru na gumawa ng watch list?


Di ko rin alam, since wala naman akong personal na kakilala sa kanila.

Eto lang ang akin.

Okay ba Stock Screener ng Investagram?

Sa una, sinubukan ko ang Stock Screener, galing sa free app ng Investagram.

May, mga criteria kasi doon, like support and resistance, volume, based on candle, trends at marami pang iba.

Sa una, nag-eeksperimento lang ako.

Kasi nga, wala pa rin akong consistent na criteria ano ba ang hinahanap sa isang Watchlist.

Ok ba ang ganung set-up, mag screener na lang sa Investagram?

For me di sya nag-work, so may triny pa akong isang strategy.


Stock Journal

Ang strategy na yoon ay mag-notes ng stock individually.

Sinusulat ko doon ang mga napansin kong galawan ng isang stock.

Kaya lang ang problema sa ganitong sistema, kailangan kong i-analize ang lahat ng stock araw-araw.

Medyo mahirap i-trace kasi and description ko ay binubuo ng sentences kaya medyo mahaba.

Sa ganitong sistema, mahirap balikan ang observation ko noong nakalipas na araw.

Since, napansin kong paulit ulit lang ang ginagawa ko, at hindi ko pa rin ma-determine kung anong stock ang pwedeng pag-investan, alam ko na merong mali sa ganoong sistema.

Finally, recently may sistema na akong sinusunod kung paano gumawa ng watchlist. Pero bago tayo pumunta doon…

Dapat na- determine mo na ang mga bagay na hinahanap mo sa isang stock.

          1st Thing to Consider on Creating Watchlist

Sa experience ko, di ko agad sya nalaman, kasi nga, sa simulat sapul, di naman ako marunong mag-invest ng tama sa stock market,

Lahat ng tips na ibibigay ko ngayun ay noob guide lamang at hindi maaring maging konkretong dahilan para mag-invest sa isang stock.

Sabi nga nila, TAYOR.

Trade at your own risk.

Anyway, baka sakaling makabuo kayo ng sarili nyong idea pagkatapos nyong Makita ang sistema ko.

I-improve nyo na lang ng na-aayon sa kalaalaman nyo.

1.       Create a Column in Excel
2.     Put Top 3 Criteria’s You Want Your Stock to Have
3.     Each Time A Criteria is Present Just Type in the Stock Code

Bale ang criteria na gusto ko ay volume, support and interest to buy.

Volume, may mga volume akong gustong makita sa isang stock. May hinahanap akong pattern. Pasensya na at di ko maituro ng detalyado, kasi nga di naman pulido yung pattern na hinahanap ko e. Basta, sa loob ng mahigit isang taon, may mga pattern ako na napansin na gusto ko makita, na indicator para sa akin na posibleng umangat ang stock.

Support, mas mainam kung naka create ng support, pero minsan wala. Kung wala, hindi ibig sabihin na wala ng chansang umangat ang stock.

Interest to buy, eto yung huling araw na indicator. Kinabukasan, sinisugurado ko na tama lahat ng candle na gusto kong makita- madalas kapag lahat ng tatlong to ay present sa isang stock at nag-gap-up kinabukasan isa iyong magandang indicasyon para pumasok sa trade.

Pero para sakin lang yon ha, mulit-muli, hindi pa pulido tong planong to.

So walang sisihan ha.

Easy Newbie Watchlist

Since tatlo lang ang criteria, basta kapag nagpakita ang isang criteria sa isang stock sa isang araw, sinusulat ko lang ang Stock Code, bale kapag napuno yung tatlo, e di maganda, doon na lang ako nag fofocus. Parang jackpot lang ang peg.

Kesa mag-analize ako ng stock isa-isa, araw araw.

Sa ganitong paraan, nababawasan ang work load ko, nakafocus lang ako sa may gusto kong criteria.

Nag-aanalize pa rin naman ako ng halos lahat ng stock, pero mas madalas sa weekends na lang. Neat right!

Final Thoughts

Sana nakatulong ang sistema na ito para makagawa kayo ng sarili nyong watchlist.

Sa pamamagitan netong excel na to, maiiwasan ang pag-analize ng stock araw-araw ng paulit ulit.

At mafofocus ka sa stock na may potential na ma-i-trade.

Finally, siguraduhin mo na ang priority mo ay ang kagustuhan ni Lord at sigurado na kahit anong i-pursue mo sa buhay ay aasenso. 

That is it.

Did you find this post helpful?




No comments:

Post a Comment

Would love to hear and interact with my readers.

(function(i,s,o,g,r,a,m){i['GoogleAnalyticsObject']=r;i[r]=i[r]||function(){ (i[r].q=i[r].q||[]).push(arguments)},i[r].l=1*new Date();a=s.createElement(o), m=s.getElementsByTagName(o)[0];a.async=1;a.src=g;m.parentNode.insertBefore(a,m) })(window,document,'script','https://www.google-analytics.com/analytics.js','ga'); ga('create', 'UA-104883034-1', 'auto'); ga('send', 'pageview');