Featured Post

Invest in Yourself | Going Back to Herbal | Tired all Day vs Coconut Oil

Ok. This topic goes back to the laziness that has been going on in my life.

Tuesday, August 11, 2020

Reaction Post | Paano Magipon Pesos Sense


Third reaction post from CFO Pesos Sense sender na may katanungang 'paano magipon?'

Nabanggit nya sa post na nastuck sya sa thought ng pag-iipon.


Isa sa nabanggit nya ay i-invest ang pera kesa itago sa banko.

Nauubos ang pera nya sa foodtrip, travel at damit.

Humihingi sya ng advice sa pag-iipon na kung saan mapapanatag ang kanyang isip, nabanggit din nya kung mas maganda bang kumuha ng passbook or atm at saang bank nya pwedeng ilagay ang kanyang pera.

Nakakatuwa na maraming na-eengganyong mag-ipon.

Advice Para sa Nagsisimulang Mag-ipon 

May dalawang klaseng pag-iipon.

Una, yung gusto mo lang mag-ipon at makitang dumami ang savings mo. Walang pang konkretong reason kung saan mo gagamitin ang pera.

Pangalawa, gusto mong lumago ang pera mo in the long run, mala-investing type na pag-iipon

Pag-iipon para sa specific na bagay, like bagong ref or ticket to palawan.
  
Ayoko mag-judge pero dahil maikli lang ang post ni sender, hindi nya nabanggit ang dahilan kung bakit sya nag-iipon.

Merong kaunting hint sa sinabi nya na naguguluhan about sa i-invest ang pera kesa sa banko, sa pahiwatig ko gusto nya kahit papaano na tumubo ang pera nya. Although, gusto nyang tumubo pero walang eksatong dahilan kung para saan ang pera pag-dating ng araw.

Isa sa dahilan ng inaction ay dahil wala ka naman strong urge para ituloy mo ang planong mag-ipon.

I guess na gusto nya lang talagang mag-ipon, at tama naman yon.

Mag-ipon At Mag-plano

Advice ko ay kahit wala pang solid na plano kung ano ang gagawin sa pera, maganda na umupo muna at gumawa ng plano.

Itanong sa sarili;

Anong gagawin ko sa pera?

Kailan ko kukunin ang pera? (sobrang importante neto)

Mag-kano ang itatabi kong pera?

Papalaguin ko ba ang perang naipon at ilalagay sa business?

Papalaguin ko ba ang perang naipon at mag-iinvest sa investment platform na alam ko?( dapat alam mo talaga para walang sisihihan sa huli) 

Napaka-importante ng mga tanong na yan. Lalo na yung 'kailan ko kukunin ang naipon kong pera'? 

Marami kasi akong nakikita na nag-iinvest sa hindi nila alam, like life insurance at gustong mag-pull out na pera dahil pandemic.

Malulugi ka kasi kapag ganyan ang ginawa mo. 

Nasayang na yung ipon mo, nasayang din ang panahon na ginugol mo.

Yung feeling na, wala namang nang-yari.

Kaya nga dapat, may reason kung bakit ka nag-iipon.

Balik tayo kay sender.

Since si sender ay simple lang at gusto lang talagang mag-ipon at gusto ng peace of mind ang gusto lang nyang pag-iipon ay sa banko.

I guess, gusto nyang malaman kung saan ang bankong may pinakamalaking interest.

Anong Banko ang Dapat Piliin?

May post ako about Diskartech App isang mobile banking under RCBC and so far isa sya sa may pinakamalaking interest rate na nakita ko 3.25% per year. Check the post kasi sobrang interesting ng Diskartech App dahil sa Goals section nya, pwede kang mag-lagay ng goals mo at i-cocompute ng app automatically kung mag-kano ang i-sasave mo every month. More details pa-visit ng post Diskartech App Code AADU4862. Isa pang maganda kay Diskartech ay pwede mong ipull-out ang pera mo sa petsa na gusto mong kunin ang pera mo, kasi hindi sya time deposit. Ang con's lang na nakikita ko sa mobile banking kahit hindi Diskartech app, pwedeng BDO or BPI ay yung chance na ma-hack ang account. Pero kung marunong ka sa technology sa tingin ko maiiwasan naman yun sa tamang pag-iingat.

Maganda Ba ang Pagibig MP2
If gusto nya ng mas mataas na interest, maraming may fan sa Pag-ibig MP2 kahit ako nag-invest sa pag-ibig MP2. Hindi ko na nga lang naituloy kasi nag-babayad ako sa mismong branch kaya kinalaunan hindi ko na naituloy.

Ang range ng interest sa Pag-ibig MP2 ay 7% pataas depende sa earnings ng Pag-ibig.

Ang cons nga lang ng Pag-ibig MP2 ay naka-lock ang pera ng 5years.

Pero kung ang pinapag-usapan ay kung magiging panatag ba ang kalooban mo kapag nag-ipon ka sa Pag-ibig MP2, ang sagot ay oo. Kasi under government ang Pag-ibig MP2.

Interest sa Banko

Mapapanatag din naman ang loob mo sa mga banko kaso katulad sa kilalang banko na BDO at BPI ang ino-offer na interest ay .25% per year.

Bale mag-compute tayo, kung mag-ipon ako ng pera sa halagang 20,000 pesos a year.

Sa BDO at BPI kikita sya ng 50 pesos more (20,000 X .25%= P50.00 Pesos) less tax.

Sa Diskartech Mobile banking under RCBC and 20,000 pesos ko per year ay kikita ng 650 pesos less tax (20,000 X 3.25% = P650 Pesos).

Ayan may idea ka na kung mag-kano ang difference ng .25% at 3.25%.

Nauubos ang Pera Sa Food, Travel at Damit

Gaya nga ng lagi kong advice, di kailangang mag-tipid ng sobra para makaipon ng malaki.

Kasi ang susi sa pag-iipon ng malaki ay ang pag-kakaroon ng extra income.

Pansinin mo, sino sa mga nag-popost ng ipon ang may pinakamaraming nai-sasave?

Ang pinakamaraming ipon ay yung may maliit na business.

Ma-pa loading business, pag-titinda ng yelo or sari sari store man yan, sila yung may malaking ipon.

Kaya di ko na masyadong papansinin yung mga gastos nya about food, travel at necessity like damit.

Sana ang goal natin ay gumawa ng extra income.

From Ipon -to- Business
Ipon -to- Investment

Final Thoughts

Magandang mag-karoon ng ipon. 

Mas magandang may plano ka kung anong gagawin mo sa ipon mo.

Para naman makita mo ang progress mo sa future.

Pero syempre wag-masyado ma-stress about money goals and wag kalimutan ang true source ng ating provision.

But seek first the kingdom of God and His righteousness and all these things shall be given to you as well.

That's it.

Did you find this post helpful?

No comments:

Post a Comment

Would love to hear and interact with my readers.

(function(i,s,o,g,r,a,m){i['GoogleAnalyticsObject']=r;i[r]=i[r]||function(){ (i[r].q=i[r].q||[]).push(arguments)},i[r].l=1*new Date();a=s.createElement(o), m=s.getElementsByTagName(o)[0];a.async=1;a.src=g;m.parentNode.insertBefore(a,m) })(window,document,'script','https://www.google-analytics.com/analytics.js','ga'); ga('create', 'UA-104883034-1', 'auto'); ga('send', 'pageview');