May mga post sa social media na nagtatanong,
kung paano ba magipon ng pera kung ang kita mo ay P500 piso kada araw.
Minimum wage, sa madaling salita.
Posible bang mag-ipon kung ang kita mo ay P500
pesos a day?
Pwede naman.
Pero syempre inaasahan natin na yayaman tayo
kapag tayo ay nag-ipon.
Ngunit sa halagang pwede mong matipid sa P500
limandaang piso, panigurado na hindi tayo yayaman kaagad o makakapagbakasyon o
makakabili ng gusto nating appliance.
Kung makapag-ipon man tayo ng maliit na halaga sa
ating kita na P500 pesos, ay hindi ito sasapat para makamit natin ang financial
independence na tinatawag.
Madalit sabi, opo makakapagtabi tayo ng
kaunting pera pero di iyon makakapag-ginhawa ng ating pamumuhay.
And 500 pesos na kita ay halos sapat lamang sa
pang-araw araw na gastusin.
Eto yung viral na computation sa social media
kung saan aabot ang sahod mo?
Sobrang totoo neto.
So ang challenge, kung paano tayo
makakapag-ipon ng malaki mula sa minimum na sahod.
Paano Makakapag-ipon ng Malaki Kung Minimum ka Lang
Paano Makakapag-ipon ng Malaki Kung Minimum ka Lang
Eto na ang tricky na part.
Kung paano ka makakapagipon ng malaki kung 500
lang ang pera mo.
Napatunayan na siguro ng maraming Filipino sa
social media na ang paraan para makaipon ng marami ay sa pamamagitan ng
pag-nenegosyo.
Paano if May Work ka nga at di Makapag Extra
Sideline
Dito na papasok ang tulong ng pamilya mo.
Besides, tumitira ka naman sa side nila, so
mag-tulungan kayo para malayo ang marating ng minimum wage.
Sa simpleng tindahan at konting disiplina na
wag basta I-angat ang pag-gastos ng pang-araw- araw, siguradong lalago at kikita ang isang
sari-sari store.
Ganun din ang idea sa online.
Sa maliit na puhunan, basta paikutin mo lang,
lalaki at lalaki yan.
Malaking Ipon
Dito ko madalas na mabasa na mas malaki talaga
ang ipon ng may business.
Kesa sa mga umaasa lang sa sahod.
Pwera na lang kung ang sahod mo ay 30-100k a
month, malaki talaga ang savings pag- ganun.
Entrepreneurship is the Key
Ayan, di na yan secret.
Kahit sa simpleng ice and ice candy business,
lalago ang pera kesa umasa sa ipon ng 500 pesos na sahod.
If di mo bet ang entrepreneurship o business,
nandyan na yung tinatawag nilang investment.
Mag-iinvest ka tapos mag-aantay ng ilang buwan
para sa tubo.
Kaso maraming private company na nag-aalok
neto, at nasasayo ang tamang research kung legit ba yon o hindi.
Merong sikat na saving platform ang Pag-ibig,
at yan ay ang Pag-ibig MP2, personally mas gusto ko tong i-recommend kasi
walang bogus dito.
Sure na hindi mawawala ang pera mo.
Sa mga private investment group, discretion nyo
na yun if legit o hindi.
Pero sa mga investment, natutulog ang pera mo
sa mahabang panahon.
Gusto nga natin mabilis yumamaman diba.
Kaya nga madalas, bagsak ang expectation natin
sa mga investment kasi sa sobrang tagal.
Mas prefer ko pa rin personally mag-business,
kasi everyday kang makikipag-sapalaran, mahahasa pati ang disiplina mo sa pera.
Magiging importante sayo ang bawat piso na
kikitain mo at gagaling ka pang mag-decision sa buhay sa dami ng desisyon na
ginagawa mo araw-araw.
Final Thoughts
Lahat gusto ng easy money, pero sa pag-pursue mo ng financial freedom sana hindi pesos sign or dollar sign.
Money is not the goal.
Totoo, hindi importante ang pera kasi kapag di mo na-reach ang goal mo na ipon for example sa isang buwan, siguradong madedepress ka.
So wag karerin ang pag-kamal ng limpak limpak na pera. Mas mahirap ma-depress.
Ang post na ito ay isang guide lamang para kahit papaano, lumaki ng kaunti ang pera o ipon mo kahit na minimum wage lang.
May naisulat akong post tungkol sa tamang kaisipan tungkol sa pera. Clueless on the Verse Seek First the Kingdom of God and All these Things will be Given to You as Well. Nilagay ko dito ang perspective ko about money at paano ito dapat na-aayon sa kalooban ng Diyos.
May naisulat akong feature ng dalawang successful na tao. Isa sa larangan ng Blogging at ang isa sa Business at Career, na-ishare nila ang secret nila sa tunay na Tagumpay.
Magugulat ka for sure!
Up Career Highlights Featuring: Savings Pinay
Up Career Highlights Featuring: Mr. Christopher of CEC Ventures
Clue, its all about following God's will.
That is it.
Did you find this post helpful?
No comments:
Post a Comment
Would love to hear and interact with my readers.