Featured Post

Invest in Yourself | Going Back to Herbal | Tired all Day vs Coconut Oil

Ok. This topic goes back to the laziness that has been going on in my life.

Thursday, August 13, 2020

Reaction Post: Wala pa akong nakitang taong naghirap dahil nag-Ipon..

Seven'th reaction post sa quote na nahagip ng newsfeed ko sa Facebook.

Wala pa Akong Nakitang Taong Naghirap Dahil Nag-Ipon
Pero marami akong nakitang naghirap dahil nag-waldas.


Maaring may katotohanan ang post na ito sa ibang tao or hindi, pero gusto ko lang mai-share ang munti kong opinyon tungkol dito.

Una sa lahat, i-define natin ang salitang nag-hirap. Nag-hirap dahil nag-Ipon, ibig ba nyang sabihin na magiging mayaman at ma-alwan ang buhay mo kapag nag-ipon ka?

Or kahit papaano aayos ang takbo ng buhay mo kapag nagsimula kang mag-Ipon.

Disagreement

Medyo, hindi ako sang-ayon sa statement na yon.

Dahil natutunan ko ding mag-ipon at nakaranas pa rin ako ng hirap.

Hirap bang maituturing ang;

Tipirin ang sarili sa pag-Kain
Mag-Lakad para makatipid sa pamasahe
Mag-antay ng Jeep ng kalahating oras kasi mahal ang tricykel
Mag-Ipon ng matagal pero di pa rin mabili ang gusto
Ending cycle ng pag-titipid para ipang-dagdag sa ipon

Kung hirap din yan para sayo sana ipagpatuloy mo ang pag-babasa.

Wala Akong Nakitang Yumaman Dahil Nag-Ipon

Sorry pero, didiretyohin ko na, wala akong nakitang yumaman dahil nag-ipon at definitely na nakaranas ako ng hirap habang nag-iipon ako.

Medyo misleading lang quote, kasi hindi sagot ang pag-Iipon sa kahirapan.

At alam natin yan.

Sa Inflation pa lang, mag-ipon ka ng 5,000 pesos sa loob ng isang taon at makikita mo na kaunti na lang ang buying power ng 5,000 pesos ngayun kesa noong nakaraang taon.

If Kahirapan ang Topic

Kung kahirapan ang topic natin, definitely na makakatulong ang ipon, pero hindi ito ang sagot para maka-ahon sa hirap.

Gaya nga ng lagi kong example, sino ang may pinakamaraming ipon sa mga nag-popost sa pesos sense ng ipon challenge.

Sila yung may mga business.

May Ice business (nag-titinda ng yelo), nag-e-eloading, may sari-sari store at online business.

Extra income ang sagot sa kahirapan at hindi ipon. Kung kaya mong kumita ng hindi nag-tatrabaho o minimal lang ang trabaho (investment, rental property, time deposit like MP2 at iba pa) mas maganda yun syempre.

Final Thoughts

Sana may kapupulutan ng aral ang mag-basa ng post na ito.

Malaking tulong para sa pag-sisimula ng extra income ang Ipon, kaya naman napaka-Importante ng ipon kung gusto mong yumaman at umalis sa hirap.

Pero kung mag-iipon ka lang at iisiping yayaman ka dahil nag-ipon ka, isa itong maling pag-kakamali.

Ang pag-Iipon ay simula pa lamang na step para yumaman.

Bukod sa pag-papayaman mas unahin sana natin ang tunay na giver ng blessing.

Marami na akong na-interview na successful na tao at ang secret nila sa tagumpay ay ang pagkilala sa Panginoon. (please read my Up Career Features; Savings Pinay, CEC Ventures, Pink Pensive, Seantrepreneur, Mom's Shout Out)

Thanks for reading.

Did you find this post helpful?




No comments:

Post a Comment

Would love to hear and interact with my readers.

(function(i,s,o,g,r,a,m){i['GoogleAnalyticsObject']=r;i[r]=i[r]||function(){ (i[r].q=i[r].q||[]).push(arguments)},i[r].l=1*new Date();a=s.createElement(o), m=s.getElementsByTagName(o)[0];a.async=1;a.src=g;m.parentNode.insertBefore(a,m) })(window,document,'script','https://www.google-analytics.com/analytics.js','ga'); ga('create', 'UA-104883034-1', 'auto'); ga('send', 'pageview');