Reaction post about sa post ng isang sender sa
CFO Pesos Sense.
Nasa taas ang screenshot ng katanungan nya.
Medyo triggered kasi ako sa post nya and
sobrang relate na relate ako.
Ang katanungan nya ay “..kahit yung isang burger wala na rin. Ganun ba talaga kapag
nag-iipon?”
Focus natin dito ang discussion para strictly
tungkol lang sa pag-iipon. Huwag na nating pakialaman ang relationship aspect
ng katanungan niya.
Kailangan bang Isakripisyo ang Pagkain para
Lang Makapag-ipon?
Siguro lahat tayo ang isasagot sa tanong na yan
ay hindi.
Pero in reality marami sa atin na mas
pinipiling I drop ang mga simpleng luho na yan para lang lumaki agad ang ipon.
Dalawa lang naman ang magiging resulta na
pag-iipon ng mabilis sa pamamagitan ng pagtanggal ng simpleng luho kagaya ng burger.
1.
Lalago ang savings mo kaagad
2.
Ma-bu-burnout ka sa pag-iipon
Pero bakit madalas sa atin ay nabu-burnout
kaagad sa pag-iipon?
Hindi ko sinasabing ganito ang sitwasyon ng
sender pero maa-ari itong maging dahilan… minimum lang ang sinasahod o kaya
naman around 20k pesos.
Mababa ang sahod = Ipon= Tipid
sa Pagkain/ Luho = Burnout sa Pag-iipon
Mababa ang sahod = Ipon = Missed
Important Life Events = Burnout
Laging advise sa atin na tanggalin ang luho
kapag nag-iipon pero ano ba talaga ang considered na luho?
Lunch
out sa Jollibee once a month?
1000
pesos shoes vs 5000 pesos shoes?
2000
pesos worth of outing with friends vs time alone sa bahay?
Lahat tayo ay mayroong sinasakripisyo kapalit ng pag-iipon.
Pero kelan ba natin masasabi na healthy pa rin ang ginagawa nating pag-iipon.
Dumating na ako sa point na sobrang tinitipid ko ang sarili ko kagaya ni sender tungkol sa pagkain para lang makapag-ipon ng mabilis.
Short term na solusyon para sa malaking ipon.
Why not?
Pwede namang maging successful yon panandalian pero kung gagawin mo yon ng buong taon syempre darating na yung burn-out feeling na parang ayaw mo na.
Paano ang Tamang Pag-iipon
Sa aking opinion mayroon dapat na timeline ang pag-iipon.
Isa ka ba sa nag-iipon para maging financially free, pero ipon lang talaga ang inaasahan para mangyari yon?
Guilty!
Yes isa ako doon, akala ko dati kapag nag-ipon lang ako ay magiging financially free ako.
Pero kahit anong ipon ko (dahil nga minimum wage lang ang sahod ko) ay hindi nag-kakatotoo ang financial freedom para sa akin.
Balik tayo sa tamang pag-iipon.
Kung ang dahilang ng pag-iipon mo ay para yumaman, tandaan na hindi ka yayaman sa pag-iipon.
So paano?
Ipon –to- Business
Ipon –to- Investment
Mas maikling panahon na pag-iipon, mas maganda.
The shorter time to save the better para iwas burnout.
Isa sa mga napansin ko sa mga followers ng pesos sense na nag-iipon, ay kung sinong may pinakamalaking ipon ay may maliit na business.
Mapa-online business ba yan o ice candy business. Yung may negosyo ang mas nakakaipon.
Syempre wag na nating isama yung mga empleyado na 50k ang sahod kasi kahit di sila mag business siguradon madali lang para sa kanila ang mag-ipon ng 10k a month.
Bottomline...
In six months time or three months time, mag-start ka ng mag-negosyo (tanggalin na natin ang invest kasi inaaral pa yun pwera na lang kung pag-ibig mp2 , kaso lang ang downside sa pag-ibig mp2 5 years ang aantayin sa interest, anyway).
Kung negosyo kasi agad at kung simpleng negosyo lang tulad ng sari-sari store hindi mo na kailangan ng mahabang time para gamayin ang negosyo kasi simple lang ang sistema sa sari-sari store.
Final Thoughts
Para iwas burnout at mabili agad ang simpleng luho dapat gawin agad ang plano na kumita ng extra thru business.
Mas maikling oras ng pag-iipon at agarang pag-papaikot ng pera ang mabibigay ng kalayaan sa atin na bilhin ang mga simpleng luho gaya ng fastfood.
Higit sa lahat wag i-fofocus ang buhay sa pag-iipon at pag-papayaman. God is our greatest provider. Unahin si Lord para iwas burnout.
Chasing after money will only lead to depression and heartache, leave all your plans to God.
Hanggang dito na lang.
God Bless.
No comments:
Post a Comment
Would love to hear and interact with my readers.