Sixth reaction post sa page ng Pesos Sense. This time walang sender but a survey.
Ang tanong ay 'Ano ang humahadlang sayo para magipon?'
Kung sa mga dahilan lang marami akong mai-sasagot dyan.
Nandyan ay kawalan ng pinag-kakakitaan, maliit ang sahod, maraming expenses, walang time para sa extra kita, health issue, palaging gutom, you only live once so better spend money for memories, bayad ng utang at marami pang iba.
Ang sagot sa tanong na ito ay purely excuses.
May Paraan Para Makaipon
If you find yourself busy answering the question 'ano ang humahadlang sayo para magipon', baka hindi masyadong matindi ang iyong reason kung bakit ka nag-iipon.
May paraan para sa lahat ng bagay. May paraan para makaipon.
Gaya nga ng napakaraming tao na nag-post ng kanilang ipon challenge sa peso sense page, ang pinakamabilis na paraan para makapag-ipon ay mag-karoon ng extra income.
Mag-tinda ng yelo, ice candy, maliit na sari sari store o maliit na online business, sila ang may pinakamalaking ipon sa lahat.
Sa madaling salita, extra income talaga ang susi. Kung aasa ka lang sa sahod lalo nat regular na empleyado ka lamang, lahat ng mga dahilan sa taas ay magiging dahilan mo din para di ka makapag-ipon.
Final Thoughts
Hope na magkaroon tayo ng matinding dahilan para makapag-ipon para hindi natin makita ang mga hadlang sa pag-iipon.
Did you find this post helpful?
No comments:
Post a Comment
Would love to hear and interact with my readers.